Minsan mo na bang naitanong sa sarili mo o
sa ibang tao kung bakit may nagyoyosi, bakit sila nagyoyosi o gumagamit ng sigarilyo?
Ano nga ba talagang meron ito at ito’y kinakaadikan ng nakakarami? Kung kaya’t
base sa isang resulta galing sa Global Adult Tobacco Survey o GATS, dalawampu’t-walong
porsiyento o 17.3 milyong mga Pilipino, edad labin lima at pataas ay
naninigarilyo. Ngunit sa bagong batas na naipatupad ngayon, ano ang magiging epekto
nito sa humigit labing pitong milyong katao? May pagbabago kayang makakamit sa pagsasabatas
ng ika-dalawampu’t-anim na utos ng nakatataas o ang Nationwide Smoking Ban?
Si mamang drayber may nakapaskin naman na "No Smoking" sign sa likuran niya hayon buga parin ng buga.
Larawan mula sa walangpixels.blogspot
http://walalangpixels.blogspot.com/2012/05/smoking-jeepney-driver.html |
Noong
ika-16 ng Mayo sa taong ito ay pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Executive Order 26 na tumatawag
sa Clean Air Act noong 1999 at ang Tobacco Regulation Act of 2003 na magpataw ng
pambansang pagbabawal na manigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Pilipinas.
Ang pagbabawal na ito ay ginawang pang-nasyonal sapagkat ang ordinansang ito ay
naipatupad na sa siyudad ng Davao noong 2002. Dahil sa pagpapatupad na ito,
nagbigay ito ng positibo at negatibong epekto sa iba’t-ibang klase ng tao sa bansa.
Para sa mga gumagamit ng sigarilyo, sila ay nababahala at nagagalit sa pagkat para
raw silang nanakawan ng pagkakataon upang sumaya sapamamaraan ng paninigarilyo.
Nababahala rin sila sapagkat may mga pagkakataong
nakakaligtaan nila na may pagbabawal na pala at sila ay naninigarilyo sa daan o
sa mga pampublikong lugar. Para naman sa mga mamamayan na hindi gumagamit at
palaging nabibiktima ng second hand
smoking, sila ay nagagalak sapagkat ang batas na ito ay makapagbibigay sa lahat
ng mas magandang hangin na lalanghapin. Mababawasan na rin ang pagkakasakit sa baga,
sapagkat base sa mga pag-aaral ay mas malalaang sakit sa baga ang mga nakakalanghap
ng usok mula sa sigarilyo kaysa sa mga direktang naninigarilyo. Dahil dito, magkakaroon
na ng pagbaba ng porsiyento ng mga kaso ng namamatay sa kadahilanang paninigarilyo.
Isa
ring itong magandang pagbabago para sa mga kabataang nalulong at malululong pa
lamang sa isang bisyong nakamamatay. Mapipigilan pa sila at mahihinto pa nila kung
gugustuhin talaga nilang magbago at ‘di nais makapagmulta o makulong dahil sa paninigarilyo.
Sa batas ding ito, naway magabayan at mapagsabihan na ang mga kabataan ng kani-kanilang
mga magulang sa mga posibleng mangyari sa kanila, hindi lamang ang makulong
kung hindi pati na ang mga masasamang sakit na maaari nilang makuha dahil dito.
Pati narin ang mga epekto kapag patuloy silang malululong sa ganitong bisyo at
kanilang madadala hanggang sa pagtanda nila na magiging sanhi ng maagang pagkamatay.
Naway makapagpamulat ang batas na ito sa lahat ng kabataan na walang masamang naidudulot
ang paninigarilyo sa buhay nila at sa buhay ng mga taong nasa paligid nila sapagkat
hindi lamang sila ang naaapektuhan kapag sila ay gumagamit nito.
Ang
mga matatanda naman ay kailangang magbagong buhay narin. May mga gumagamit kasi
na kahit alam na nilang may sakit sila o magkakasakit sila dahil dito ay tuloy
pa rin sila sa paninigarilyo na nagiging dahilan upang sila’y magsisi sa huli.
Kapag napagtanto na nila na ang bisyong nasimulan nila ay kailangan na nilang tapusin,
makikita ito ng mga kabataang nasa paligid nila at maaari pang makapaghikayat na
itigil narin ang pagbibisyo. Naway sa batas ding ito ay maisip nila na kailangan
pa nilang makasama ng matagal ang kanilang pamilya’t kailangan nilang maging malakas
upang mangyari ito kaya kailangang burahin na nila sa kanilang buhay ang paninigarilyo.
Ang
paninigarilyo ay kailanma’y walang magandang naidulot sa tao at kapaligiran.
Maliban sa nakamamatay ito para sa mga tao, nasisira rin ang ozone layer na nagiging
sanhi ng sobran init ng panahon na nararanasan ng ating bansa. Naway ang batas naito
ay malagay sa mga kokote ng bawat mamamayang Pilipino: na
ang paninigarilyo ay dapat mahinto hindi lamang para sa kaligtasan ng bansa ngayon
kung hindi pati na sa mga susunod pang henerasyon. Hindi nais ng kanino man ang magkaroon ng isang bansang
hanging nilalanghap ay usok mula sa sigarilyo.
-Khayla Marie Gil Carreon