Monday 13 March 2017

Seniors at Sophies, wagi bilang Mr. at Ms. Intramurals



ANG BIKER AT ANG CHEERLEADER.
Abot-tengang nakangiti sina Erich Albaran at 
Angel Pedrano pagkatapos silang hirangin 
na Mr. and Ms. Intramurals 2017.

Photo by Jeanille B. Cogtas 
Isa sa mga inaabangan tuwing Intramurals sa ACT ay ang mga kalahok sa Mr. and Ms. Intramurals galing sa iba’t-ibang grupo mula pre-school hanggang sa sekondarya. Iba-ibang atake at awra sa harap ng mga tao at mga hurado na nagbibigay sa kanila ng kakaibang dating. At sa taong ito sa departamento ng Junior High, ang nakitaan ng sinasabing dating ay ang representante mula sa Seniors na si Erich Albaran na tinanghal bilang Mr. Intramurals at ang mula sa Sophies na si Angel Pedrano  bilang Ms. Intramurals.
          Nang tinanong ko si G. Jessie Ebina, dating Dance Master ng CNU Dance Company at kasalukuyang membro ng Priima Dance Company kung ano ang nakita niya kay Erich na nakuha ang atensyon niya; ang kumpiyansa raw nito at ang grabeng showmanship ng siya’y nagtanghal lalo na sa pagdadala niya sa kanyang bisikleta at nang binuhusan niya ang kanyang sarili ng tubig. Nakitaan naman ni Bb. Jessica Sol-lano, coach ng Center of Pop Cebu ng potensyal si Erich. Ngunit para kay G. Clemente Abalos III, kasalukuyang isang marketing manager, ang pambato ng Sophies na si Vince Tomaquin ang kanyang nagustuhan. 
Ang alindog at positibong awra naman ang nagpanalo kay Angel Pedrano para kay G. Ebina. Hindi raw ito masyadong mahiyain at ‘di rin masyadong makumpiyansa kun’di sakto lamang para sa kanya. “She is very beautiful. She is very attractive,” naman ang nasabi ni Bb. Sollano tungkol sa kalahok. Nakitaan niya raw ito ng hawig sa isa mga artista ng ABS-CBN. Dagdag puntos din daw ang dalawang dimples ni Angel at ang kanyang matamis na ngiti.
Sa katanungang ano ang masasabi nila sa pinakita ng mga kalahok, ang pagsisikap ng bawat isa sa mga kalahok ay talagang nakita ayon kay G. Ebina. Nagulat si G. Abalos sa grabeng pinakitang sikap ng mga kalahok kahit aktibidad lamang ito sa paaralan. Para naman kay Bb. Sollano, nakitaan niya ng buong potensyal ang mga sumali at alam niyang may itotodo pa ito. Ipinakita nila ang totoong kahulugan ng sportsmanship na siyang napakamahlalagang salik ngayong Intramurals.
-Khayla Carreon



No comments:

Post a Comment

Ginintuang hakbang ng ACT!

CLICK TO SEE MORE PHOTOS