Tuesday 14 March 2017

Seniors at Freshies kumampeon sa board games

Nangibabaw ang Senior chess team at Freshmen scrabble team kontra Junior High players sa Intramurals 2017 na ginanap noong ika-9 at 10 ng Marso.
Sinilat   ng  Senior  chess   boys,  na  ginampanan nina Kyle Supan, Erich Albaran at Joshua Haramil, ang Junior chess boys sa isang round robbin tournament sa unang araw ng palaro.
Ayon kay Sir Julius Buma-at, chess moderator, tanging dalawang koponan lamang ang nakipagtugisan. Agad na na-diskwalipika ang   Sophomores   at   Freshmen  dahil  sa kakulangan ng manlalaro at kawalasan ng gamitan.
Dumaan naman sa landslide victory ang Senior Chess girls nang humakot sina Chesty Flores,  Rachael Serrano,  Lois Laboga  at Angel Salaritan ng sampung puntos.


Pumangalawa ang Juniors, sumunod ang Sophamores at nahuli ang Freshmen.
Samantalang bumawi  naman ang Freshmen nang   nanguna sila sa larong  scrabble. Tinalo nina Jude Tadios, Johanna Abellanosa, Kaye Abellanosa at Abigail Caramol  ang Juniors na inirepresenta nina Shanisse Semoran, Khayla Carreon, Michael Osmil at Alyssa Plaza. Pumangatlo naman ang Seniors at nahuli ang Sophamores.

-Lalaine Omnes
-Photos by Denise Cairo


No comments:

Post a Comment

Ginintuang hakbang ng ACT!

CLICK TO SEE MORE PHOTOS