Thursday, 16 November 2017

Garcia, Usop kampiyon sa kantahan

          Itinanghal na kampeyon sina Alyasa Usop at Gianne Garcia ng G8-Integrity sa patimpalak sa pag-awit na ginanap sa Pagtitipon bilang kataluktukang pagdiriwang ng Buwang ng Wika noong Agosto 25,2017.
Sina Usop at Garcia sa kanilang "repeat performance" sa Pardo Parish para sa "ACT Night at Pardo" noong ika-17 ng Setyembre 2017.

Larawan ni Mark Jemzelle Cogtas
          Kinanta nila ang Bok-love nina Therese Villarante at Kurt Fick sa patimpalak na iyon pagkatapos nilang malampasan ang preliminaries kung saan nakalaban nila ang mga mang-aawit mula sa iba't-ibang seksyon.
          Hindi nila inakala na manalo sa kompetisyon.  "Unexpected kaayo kay feel namo mas nindot pa ang uban performances kaysa amo."(Hindi namain inaasahan kasi papang mas maganda pa yong sa iba.), wika nila.
          Ayon naman sa mga estudyanteng naroon sa gabing iyon, karapat-dapat sina Usop at Garcia na maging kampiyon sila ang natatanging mga kalahok na nakitaan ng magandang kemistry maliban sa maganda nilang pag-awit.
          Bago dumating ang araw ng Pagtitipon, ang dalawa ay makikitang nag-eensayo ng kanilang kanta at kung paano kumilos sa entablado kaya ng dumating an ang araw ng kompetisyon, natural at malinis ang kanilang kilos ayon kay Bb. Floramae Arain, Class Adviser.
          Naganap ang pagdiriwang sa quadrangle ng Asian College of Technology kung saan ang mga estudyante ng Junior High School  ay nagsama-sama upang ipagdiwang ang Buwan ng Wika.

- Chrisha Tadios
Credits kina Kelsey Araniego & Vinzent Lariosa
sa pagkalap ng impormasyon


No comments:

Post a Comment

Ginintuang hakbang ng ACT!

CLICK TO SEE MORE PHOTOS