Saturday, 10 October 2015

Wacky Debate, Pera o Bayong, Sayaw Pinoy tampok sa selebrasyon ng Buwan ng Wika

          Idinaraos ng Asian College of Technology ang unang araw ng selebrasyon sa taunang paggunita ng Buwan ng Wika sa pamamagitan ng Wacky Debate, Pera o Bayong, at Sayaw Pinoy na nilahukan ng mga estudyante sa sekundaryong noong ika-27 ng Agosto 2015 sa ACT Main Lobby
        Nagsimula ang programa sa isang Wacky Debate na sinalihan ng mga mag-aaral na nagmula sa ika-pito hanggang ika-sampung baitang. Nahati ang mga kalahok sa apat na grupo at nagtagisan ng kanilang talino at katatawanan.
       Kasunod naman ay ang Pera o Bayong na kung saan mas pinasaya ang laro dahil ang mga taong tumatayong poste ay nagpagalingan ng kanilang talento sa larangan ng gymnastics.

      Si Kirk Abellana ng Gr. 8-Unity ang nagwagi sa patimpalak na ito.
      Nagtapos naman ang programa sa pahusayan ng paglahad ng Sayaw Pinoy ng bawat seksyon sa sekundarya. 
      Pinataob ng seksyong Fortitude ang lahat ng kanilang mga katunggali ng tanghalin silang kampeyon. 

-Maria Lallene Cinco
- Photos by Trizia Bondoc & Jeanille Cogtas


No comments:

Post a Comment

Ginintuang hakbang ng ACT!

CLICK TO SEE MORE PHOTOS