Thursday, 8 October 2015

Asianistas sumabak sa larong Pinoy


Mga estudyante sa sekundarya ay nagtipon sa lobby para ganapin ang Larong Pinoy umaga ng ika-28
ng Agosto.
                Hindi agad nakapagsimula ang Larong Pinoy dahil sa hindi magandang panahon pero kahit papano, nasolusyonan ito.
                Ang unang laro ay naganap sa lobby kung saan ang mga manlalaro ay dapat ipitin ang baraha sa pagitan ng kanilang dalawang binti. Gamit ang isang paa, dapat silang tumalon patungo sa kabilang dulo kung saan may isa pang mag-aaral, na umakto bilang poste, para ikutin pabalik sa pinanggalingan.
                Ipinagpatuloy ang pangalawang laro, ang Luksong Lubid, sa quadrangle. Doon din ginanap ang Luksong Baka at ang Luksong Tinik.
                Hinirang bilang kampeon ang ika-7 baitang, sumunod ang ika-8 antas, habang ang ika-10 baitang ay pumangatlo, panghuli naman ang ika-9 na antas.
                Maligayang Buwan ng Wika, mga Asianistas!


-         Allysha Danielle Tadios

No comments:

Post a Comment

Ginintuang hakbang ng ACT!

CLICK TO SEE MORE PHOTOS