Nagbunga ng saya ang tagumpay ng Asian College of
Technology (ACT) Cyber Knights volleyball boys sa District Meet 2015 noong
ika-1 ng Oktubre sa East Visayan Academy (EVA) laban sa Monterey School
Incorporated Lions.
Naganap ang laro sa ala una ng hapon sa EVA gymnasium.
Panalo ang Act laban sa Monterey sa set iskor na 2-1 kung saan nanalo sila sa
una at huling set.
Sa unang set ay kita ang determinasyon ng bawat manlalaro
sa korte. Tila nahirapan sa unang mga minute ang Cyber Knights dahil nagpatalo
ang Lions kaya natabla ang iskor, 5-5. Nang pagkakataon na ni Damielle Luchavez
mag-serve ay hindi na niya pinalampas ito.
Pinasok niya nang walang kahirap-hirap ang labimpitong(17)
serbisyo na nagpalamang sa Cyber Knights sa iskor na 22-5. Parang kidlat sa
bilis ang mga serbisyo ni Luchavez kaya napa-nganga na lamang sa gulat ang
Lions.
Nakagawa pang pumuntos ng kalaban ngunit natalo sila sa
iskor na 25-8.
Sa ikalawang set ay tila nawala sa pokus ang Cyber
Knights at muling nahirapan. Ilang paglabag din ang nagawa ng knights kaya lumamang
ang Lions.
Nahirapan ang setter ng koponan na si Paul Santillan
dahil sa mga maling receive na binitawan ng kanyang kagrupo. Nagawang humabol
ng Knights ngunit nataposa ng set sa iskor na 23-25 kung saan sila ay talo.
Nag-aapoy muli ang Knights kaya nagawa nilang bumawi sa
huling set. Muli ay pinahirapanng Knights ang Lions at nakabawi. Panalo ang
Knights sa iskor na 25-10.
Hindi natuwa si Coach Elvin Tabura sa kinalalabasan. “Nadismaya
ako dahil natapos n asana and laro sa ikalawang set,” sabi ni Tabura.
Nakulangan din si Angelo Largo, dating Cyber Knights
volleyball player, sa ipinakita ng
Knights. “Okay lang naman ngunit nakita ko na kulang sa pokus ang mga
manlalaro,” wika niya.
Nakontento naman sa ipinakitang laro ng Knights si
Floramae Arain, ACT Athletics Club Moderator. Sabi niya, “Bumilib ako dahil ito
ang magiging hudyat sa ‘comeback’ ng ACT.
Panalo din ang Cyber Knights volleyball girls matapos
hindi sumipot ang Tabunok National High School (TNHS).
- Lance Roi Catadman
No comments:
Post a Comment