Sunday 11 October 2015

Pageant ginanap sa Math & Science Week

Nagkaroon ng Mr. Math and Ms. Science pageant sa pagdiriwang ng Math and Science week noong
ika-22 ng Setyembre 2015 sa Asian College of Technology,  Bulacao Campus.

Ang mga kandidato sa Mr. Math ay rumampa bilang mga tanyag na scientists at mathematicians. Habang kinatawan naman ng mga kandidata ng Ms. Science and apat na elemento ng kalikasan - apoy, tubig, lupa at hangin.

Ang kasuotan nila ay gawa lamang sa mga 'recyclable materials' na dinisenyo at nilikha ng kani-kanilang mga kaklase.

Sabi ni Gng. Monalisa Abellanosa, isa sa mga hurado, na hindi siya makapaniwala na kayang lumikha ng ganoong kagandang mga kasuotan ang mga mag-aaral. "The costumes were beautiful," dagdag pa niya.

Hinirang bilang Mr. Math si Khylle Cabusas, Gr. 9-Justice, na gumanap bilang si Isaac Newton samantalang si Leandra Lee Lopez naman ng Gr.10 Perseverance na kumatawan ng elementong hangin ang hinirang na Ms. Science.

Ang mga sumusunod ay ang mga runner-ups sa nasabing patimpalak:
      Mr. Math
              1st Runner-up: Lynnel Lomosad (Euclid)
              2nd Runner-up: Lance Catadman (Leonardo Davinci)
              3rd Runner-up: Dominic Ricardo ( Rene Descartes)
              4th Runner-up: Paul Irvin Santillan (Albert Einstein)

        Ms. Science
              1st Runner-up: Jenika Nero (Apoy)
              2nd Runner-up: Chauntel Gimenez (Lupa)
              3rd Runner-up: Jeriel Jumalon ( Apoy)
              4th Runner-up: Alyssa Beldad (Lupa)

Nagkaroon din ng mga espesyal na pagkilala sa mga kandidato't kandidata:
              Best in Production Number - Lopez at Catadman
              Best in Costume - Cabusas at Jumalon
              Best Element:
                       Apoy - Jumalon, Lupa - Beldad, Tubig - Nikki Patalinghug, Hangin- Lopez

Ito ang kauna-unahang pageant na ginanap sa pagdiriwang ng Math and Science Week.

- Allysha Danielle Tadios
Photos by Jeanille Cogtas

No comments:

Post a Comment

Ginintuang hakbang ng ACT!

CLICK TO SEE MORE PHOTOS