Hinirang bilang Miss Science 2016 si Nikki Navarro noong ika-28 ng Setyembre sa 6th floor para sa pagtatapos ng Science and Math Month.
Suot ang kasuotang gawa sa aluminum foil, garbage bag at lumang cds, rumampa ang pambato ng Grade 10 – Perseverance sa entablado at tinalo ang pitong kandidata para sa korona.
“Masaya ako kasi di ko inakalang mananalo ako lalo na’t nagagandahan ako sa kanilang kasuotan na pwedeng magpapanalo sa kanila.” Sagot ni Navarro sa isang panayam.
“Nagpapasalamat rin ako lalo na sa mga maiingay kong kaibigan sa suportang ibinigay nila sa akin.” Dagdag pa niya habang tumatawa.
“Maayos niyang dinala ang kanyang sarili sa entablado na isa sa mga nagpanalo sa kanya at saka karapat-dapat siyang manalo.” Komento ni Bb. Lorinavi Busa na isa sa mga hurado sa paligsahan.
Humakot rin si Nikki ng ilang mga Special Awards kagaya ng People’s Choice Award at Best in Production Number.
First Runner-Up ang pambato ng Grade 10 – Fortitude na si Kaye Obando habang Second Runner-Up naman si Miyuki Nakatsuka mula sa Grade 8 – Integrity.
-Allysha Danielle Tadios
Larawan ni Jeanille Cogtas
No comments:
Post a Comment