Wednesday, 12 October 2016

Lakandiwa ng Milo Olympics

   
Larawan ni Triziah Bondoc
 Lahat na siguro tayo ay nakadama na ng pinaghalong saya, naiihi, natatae – kinakabahan kumbaga. Madalas nating nararamdaman ito kapag naghihintay tayo ng resulta sa inaplayang trabaho o kapag tayo ay sumasali sa mga kumpetisyon. Gaya na lang ni Nikki Patalinghug, representante ng ating paaralan no’ng nakaraang Miss Little Milo Olympics 2016, na sa unang pagkakataon ay sumali sa nabanggit na paligsahan ng kagandahan. Ngunit kahit pinakaunang beses niya ito, bitbit niya sa kanyang kalooban ang mga katangiang dapat mayroon ang isang manlalahok.
    Noong ika-8 ng Setyembre ay naganap ang Milo Olympics 2016 sa Abellana Sports Center na dinaluhan ng mga manlalahok, tagasanay at mga guro galing sa iba’t-ibang paaralan sa Cebu. Sinimulan ito ng isang parada at sinundan ng kumpetisyon ng Miss Little Milo Olympics na kinaaabangan taun-taon ng lahat.
   Nang tanungin ko ang ating kinatawan na si Nikki kung ano ang naramdaman niya sa mga oras na iyon, ito ang kanyang naging sagot: ‘Naramdaman ko ang sobrang takot at kaunting saya’ Sino ba naman talaga ang hindi matatakot sa mga ganitong paligsahan, ano? Pero ang marinig ang salitang saya sa kalagitnaan ng lahat ng kaganapan ay kakaiba. Ibig sabihin lamang nito ay bagamat sa lahat ng kabang naramdaman niya ay masaya pa rin siya dahil siya’y nakatungtong para ibandera ang pangalan ng paaralan.
  Habang nagsisimula raw ang kumpetisyon ay iniisip niya na posible, kahit konti, na siya ang hiranging panalo sa araw na iyon. Nakakatuwa na talagang positibo siya at hindi man lang nabahiran ng negatibo ang kanyang kalooban na hindi niya makakaya. Nagpapakita lamang na may tiwala siya sa kanyang sarili at talagang kaya at malakas ang loob niya.
  Nang nasa kanya na raw ang entablado, ito ang nasa kanyang utak: ‘Iniisip ko na lang na i-enjoy ang moment at gagawin ang lahat ng makakaya ko.’ Giit ni Nikki. Hindi dapat kalimutan ng isang manlalahok na kahit gaano na kaseryoso at kakaba ang kahit anong kumpetisyon man iyan, hindi dapat kalimutan na tamasahin ang sandali. Dapat masaya ka lang para makita ng manonood na talagang ninanamnam mo at nagagalak ka sa ginagawa mo.
  Hindi man nasungkit ang korona ay ipinagmamalaki ng buong paaralan si Nikki dahil sa ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya. Mas nakakasaya sa puso na alam nating buong puso niyang ginawa iyon hindi lang para sa kanya kung hindi para rin sa paaralan. Saludo kami sa iyo, Nikki at sana’y hindi ito ang una’t huli mong pagsali. Fly High! Fighting!

-Khayla Marie Gil Carreon


No comments:

Post a Comment

Ginintuang hakbang ng ACT!

CLICK TO SEE MORE PHOTOS