Tuesday, 11 October 2016

Pasorpresa ng mga Asianista


  Ang nakasanayang earthquake drill na didiretso sa likod ng canteen para sa kaligtasan ng lahat ay naiba noong ika-3 ng Agosto sa ACT Bulacao Campus para sa isang mahalagang pangayayari sa isa mahalagang tao sa institusyon. Isa sa mga tagapagtatag ng ating paaralan simula pa noon at hindi kailanman tayo iniwan. Siya ay walang iba kundi si Ma’am Viannie Loquero, ang ating Bise-Presidente sa Pananalapi.
  Nang tumunog ang fire alarm, agad nagsitakbuhan ang mga mag-aaral mula Nursery hanggang Senior High sa quadrangle. Nakayuko sabay lagay ng dalawang kamay sa ulo: kunyari totoong-totoo ang nagaganap na pagsasanay. Lumabas galling sa opisina sina Ma’am Viannie at ang iba pang mahahalagang tao kasama na ang dating punong-guro ng Asian College of Technology na si Sir Gotera at ang pangkasalukuyang punong-guro na si Dr. Kilag sa gitna ng nakalaang dadaanan. Nang sinalubong ni Sir Jason, isa sa mga guro sa Junior High School si Ma’am Viannie, halata sa mukha nito ang gulat at ang hindi maintindihan na ekspresyon sa mukha ay naipinta. Tumunog ang Just The Way You Are ni Bruno Mars at sabay-sabay na kumanta ang mga mag-aaral. Nasa gilid naman ng pasilyo na dinaanan ni Ma’am Viannie ang mga CAT Officers ng paaralan. Nang nakarating sya sa malaking entablado ay patuloy pa rin sa pagkanta ang mga mag-aaral.
Pagkatapos ng pag-awit ng mga Asianistas ay hinandugan naman siya ng kanta sa isang mag-aaral sa Grade 1 na si Sam Trumpets. Hindi rin nagpahuli ang departamento ng Junior High School kung saan inalayan ng isang napakalupit na paghataw sa panguguna ni Sir Rommel kasama sina Sir Jason at Miss Mich na mga guro sa nasabing departamento. Pagkatapos ng sayaw ay ibinigay naman nila Miss Arain at Miss Lyn, mga guro din sa departamento, ang keyk na inambagan ng mga mag-aaral mula Grade 7 hanggang Grade 10. At ang huli naman na naglahad at di nagpatalo ay ang dance troupe ng Senior High School na kung saan hindi talaga matatawaran ang galing ng bawat isa. Ikinatuwa ito ni Ma’am Viannie at iba pang mahahalagang tao sa institusyon sapagkat pinaghandaan talaga ito ng mga mananayaw.



at niyakap niya ito habang ito ay naglalahad. Sa kalagitnaan ng kanta ay isa-isang nagsiakyatan ang iba pang mga mag-aaral sa elemantarya para ibigay ang kani-kanilang personal na regalo kay Ma’am Viannie. Sumunod naman na naglahad ay ang sa ika-anim na baitang na pinangunahan ng isang pagbabasa ng tula at tinapos ito ng isang pagsasayaw sa sikat na kantang pangsayaw na
Natapos ang buong sorpresa sa pagkanta ng maligayang bati kay Ma’am Viannie at hindi mapagkakaila na siya ay tuwang-tuwa. Lubos siyang nagpasalamat sa lahat ng Asianistas at sa mga naghanda sa sorpresa.
-ni Khayla Carreon
Larawan ni Jeanille Cogtas

No comments:

Post a Comment

Ginintuang hakbang ng ACT!

CLICK TO SEE MORE PHOTOS