Sunday, 5 July 2015

Pilipinas wagi sa SEA Games

Ridgely Balladares, Rommel Chavez and Richly Magsanay
won the Philippines its first sailing SEA Games
.... photo from Google

           Nagbigay dangal ang 472 na mga atletang Pilipino nang manalong ika-anim na pwesto ang Pilipinas sa Southeast Asian Games na naganap noong ika-5 hanggang ika-16 ng Hunyo sa
Singapore.
           Nagtagisan ang mga atleta sa iba’t-ibang mga laro at hindi nagpatalo ang Pilipinas sa galing ng ibang mga bansa sa Southeast Asia. Hindi naman nasayang ang kanilang hirap at pagod dahil nasungkit naman nila ang 131 na medalya, kung saan 29 dito ay ginto, 36 ang pilak , 66 ang tanso.
          Iilan sa mga gintong medalya ay nakuha sa larangan ng athletics. Kampyonato ang Gilas Cadets nang makuha ang gintong medalya kontra Indonesia sa basketball finals. Ang runner na si Eric Shaun Cray ang nag-iisang Pilipino sa SEA Games na nakauwi ng dalawang gintong medalya sa 100m at 400m hurdle races.
Pareho ang bilang ng gintong medalyang nasungkit ng Pilipinas sa nakaraang SEA Games noong 2013 ngunit nadagdagan pa ng dalawang pilak at 28 na tanso. Nanguna ang host country na Singapore sa kabuuang bilang na 259 na medalya na sinundan naman ng Thailand na mayroong 247 na medalya.

-Lance Roi Catadman


No comments:

Post a Comment

Ginintuang hakbang ng ACT!

CLICK TO SEE MORE PHOTOS