Sunday 12 July 2015

Asianista Olympics 2015


Umaga ng ika-4 ng Hulyo, ginanap ang kauna-unahang Asianista Olympics sa ACT-ISD.
Ang nasabing pangyayari ay nagsilbing ‘acquaintance gathering’ ng mga estudyante sa sekundarya. Sa pamamagitan ng isang Amazing Race, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makisalamuha sa kapwa nilang kaeskwela.
         Ang nanalo sa Amazing Race ay ang Pink Team. Sumunod naman ang Red Team at ang pangatlo ay ang Orange Team.
“If I could sum it up, it’s great. After that event, I have no fear anymore to smile to those whom I don’t know. We, as a group, shared ideas and strategies. The Olympics is a good starting social connection for the high school department.” Sagot ni Kurt Ponce, isang estudyante sa Grade 10.
          Matagumpay ang unang araw ng Asianista Olympics na pinaghirapan ng buong SSG. Ito rin ang kanilang unang programang naisagawa  para sa taong 2015-2016.

- Allysha Danielle Espinosa Tadios               


No comments:

Post a Comment

Ginintuang hakbang ng ACT!

CLICK TO SEE MORE PHOTOS