Venue: Cansojong National High School |
Sa salitang ‘quiz bee’, isa lang ang mapupunta sa isip
ko at iyon ay yung talasalitaan o‘spelling quiz bee’. Hindi man
kapani-paniwala pero ‘yon talaga ang nasasagi sa isip ko sa tuwing mapupunta
ang usapan sa ‘quiz bee’ kaya nung pinasama ako sa Cansojong National
Highschool noong ika-24 ng Hulyo, nasaksihan ko ang isa pang uri ng quiz bee.
Mga
paaralan sa distrito ng Talisay ang lumahok sa nasabing patimpalak. Isa na ‘dun
ay ang ACT kung saan ang kalahok ay si Khayla Carreon, isang estudyante sa ikawalong
baitang.
Bago pa man kami bumiyahe sa aming
patutunguhan, halatang kabado siya. Sinuri ni Khayla ang kanyang mga tala
paulit-ulit hanggang sa makarating kami sa pinangyayarihan ng paligsahan. Namangha
nga ako nang malaman ko na isang lingo lang ang kanyang paghahanda kasi aaminin
ko man o hindi, hindi talaga makakaya ng utak ko ‘pag nasa ganyang sitwasyon.
Gaya nga ng kasabihan sa Ingles ‘Too much information running through my brain,
too much information driving me insane.’
Khayla Carreon |
Ginanap ang pop quiz sa loob ng
isang silid-aralan. Tanging mga kalahok, hurado, anotador at ang kwismaster ay
nasa loob kaya siyempre naghintay kami sa labas. Habang nakikinig, napagtanto ko
na hindi lang saklaw ng pop quiz ang karunungang panlipunan (Social Science) kundi pati rin ang musikang Pilipino.
Saludo ako sa mga sumali sa
patimpalak, lalong lalo na sa mga nanalo, dahil sa kabila ng maikling panahong
ibinigay upang maghanda, nakayanan parin nilang intindihin at itatak sa memorya
ang mga bagay na dapat alalahanin.
-Allysha Danielle Tadios
Mga larawan ni Kristine Espanta
No comments:
Post a Comment